Kailangan ko ng yakap mo tuwing umaga
Nanghihina pag hindi kita kasama
Kung pwede nga lang na di kana mawala pa
Saking tabi habang nakahiga sa kama
Ikaw ang nagbigay ng kulay sa aking mundo
Kaya dalangin sa taas ay salamat po palagi
Tinupad niyo ang hiling kong makasama ang babaeng
Di lang basta espesyal ang binigay niyo bukod tangi
Buti nalang nagtyaga kong maghintay, lahat napawi
Wala nakong iba pa na mahihiling pa
Pasensya na kung minsan nakakainis na
Kung masyadong mausisa tuwing aalis ka
Kasi nakakamiss ka, ganda mo pa din kahit galit ka
Sakin ka lang di kana pwede sa iba
Di naman sa pinagmamalaki kita masyado
Ganito talaga pag napunta na sa tamang tao
Makasama ka lang lagi mahal masaya nako
Laking pasasalamat ko na dumating ka
Mga sugat ko at lamat ngayon gumaling na
Paka swerte kong lalaki sayo pa napunta
Iba talaga si kupido pag umasinta
Umunawa't mag-alaga sakin di ka nagsasawa
Singsing nalang ang kulang na ika'y maging asawa
Sa araw na yon handa kang makasama ako
Hanggang sa tayo ay tumanda na
Di sa pagiging seloso pero sana mapuna
Kung nasan ako palagi ang gusto ko'y nandun ka
Di na dapat pahabain dun din naman ang punta
Sinundan ko lang pangarap ko sayo ko napunta
Sakin ka lang di kana pwede sa iba
Sakin ka lang di kana pwede sa iba